Ako ay may nabasa tungkol sa AGRIKULTURA, nakabasa na din ako ng mga batas ukol dito. Madami ang sumasang-ayon, madami din ang tumataliwas sa mga batas na ipinapatalaga ng mga kinauukulan. May mga katanungan na pumapasok sa aking isip. Una, Para saan ang mga batas kung hindi rin naman ito naisakakatuparan? Ikalawa, Ano ang nakukuhang benepisyo ng mga magsasaka sa paggawa ng mga produktong agrikultural? At panghuli ay, saan kumukuha ng pondo ang mga magsasaka upang mapalago ang kanilang sakahan?
Ang Pilipinas ay gusto maging industriyalisado, subalit ang mga kinauukulan ay hindi napapansin na, sa kagustuhan natin makamit ang pagiging INDUSTRIYALISADO hindi na natin napagtutuunan ng pansin na ang ating bansa ay mas gaganda kung tayo ay magpapatuloy sa pagiging AGRIKULTURAL na bansa.
Mayroon akong nasagap na balita: "Noong nakaraang taon, naglaan ang gobyerno ng P1 billion para ipambili ng mahigit 2,300 piraso ng postharvest machinery at iba pang kasangkapan. Para sa taong ito, itinaas ang budget sa P2.6 billion para makabili ng 7,000 makinarya sa pagsasaka na ipamamahagi sa mga samahan ng magsasaka at mga lokal na sangay ng pamahalaan sa buong bansa. Hinikayat ng Pangulo ang state colleges and universities (SCU) at ang DA na magtulungan upang maagapayan ang mga magsasaka sa paggamit ng modernong teknolohiya at pamamaraan ng pagsasaka."
Maganda ang isinasaad nito. Kung gusto ng pamahalaan na madaming bigas ang gawin kayang kaya ito sa pamamagitan ng mga teknolohiya, magpasalamat tayo dahil may isang pinuno na nais pagtuunan ng pansin ang mga magsasaka, mangingisda dito sa ating bansa. Kaya natin umunlad kung ang lahat ng tao sa ating bansa ay handang makipagtulungan upang makamit natin ang buhay na marangal pag dating ng panahon.
Ang mga magsasaka, mangingisda at tiyak na masaya dahil sa tulong mula sa ibang bansa, ngunit mas sasaya ang mga ito kung pati ang ating pamahalaan ay bibigyan sila ng sapat na suporta dahil kung wala ang mga ito walang magsusupply ng ating pangaraw araw na kailangan. bigyan dapat sila ng karangalan dahil hindi biro na magtrabaho buong magdamag para sa kakainin ng ibang tao.
Ang gusto ng mga magsasaka ay palakasin ang lokal na produksyon hindi ang importasyon. Nahihirapan ang magsasaka na ilaban ang kanilang karapatan dahil wala silang sapat na kaalaman na tinatapakan na pala ang kanilang reputasyon bilang isang manggagawa, hindi dapat sila niloloko dahl kapag sila ay nagloko hindi alam ng nakarami kung saan sila kukuha ng supply ng pagkain. Sana madinig ng senado o pamahalaan ang kanilang gustong mangyare dahil sigurado ako tama ang kanilang ipinaglalaban.
Sana mapagtuunan din ng pansin ng pamahalaan ang mga magsasaka, mabigyan nawa sila ng suporta ng gobyerno at dapat pagtuunan ng pansin ang kaninalang produksyon.
No comments:
Post a Comment