Sa sobrang hirap ng buhay iilan na lang ang taong may magandang trabaho, iilan na lang ang taong may sapat na hanap buhay para mapakain nila ang kanilang pamilya tatlong (3) beses sa isang araw. Iba't ibang paraan upang makatipid, iba't ibang gawain para maipasok ang kanilang mga anak sa paaralan. Iba't ibang paraan para tumagal ang buhay sa mundong ibabaw.
LEGAL NA SEKTOR |
Mayroon tayong tinatawag na "UNDERGROUND ECONOMY" sigurado ako nakakita ka na ng ilan sa kanila. May nagbebenta ng dyaryo, yung iba ay may maliit na tindahan, ang iba naman ay nagtitinda ng street foods. Sila yung LEGAL NA SEKTOR may maganda silang naiaambag sa ating bansa makakabili ka dito ng mga tingi tingi na produkto o paisa isa. Maganda ito sa nakararami dahil madaming tao ang nakakapaghanap buhay para sa kanilang pamilya. mayroon din itong negatibong epekto, hindi natin alam kung talagang malinis ang ibinebenta ang maganda sa ating kalusugan.
Nakakamangha ang mga naghahanap buhay ng matiwasay. nakakamangha ang mga taong handang mausukan, madumihan, para matustusan ang pangangailangan ng kanilang mga anak. Sana lahat ng tao ay may sapat na pagiisip at alam nila na lahat ng tao ay nahihirapan.
ILEGAL NA SEKTOR |
Meron din namang ILEGAL NA SEKTOR ng underground economy sila yung magnanakaw, at nagbebenta ng mga ilegal na bagay. Wala silang naitutulong sa ating bansa, pinapapangit nila ang magandang imahe natin sa ibang dayuhan. Hindi kailan man mawawala ang mga ito, dahil masyadong magaan ang parusa kapag sila ay nadakip.
Tayong lahat ay nahihirapan sa buhay. madaming paraan upang maging maganda ang ating buhay. madaming pwdeng gawin para makahanap tayo ng trabaho na walang nasasaktan at hindi labag sa batas. Ang PAMAHALAAN ay gumawa ng batas na tiyak na matututo ang kanilang nasasakupan. Sana dumating ang panahon na lahat ng tao ay disiplinado naat may magandang buhay bago sila mapunta sa kabilang buhay. Matuto sana tayong makinig sa mga payo ng mga nakakatanda sa atin.
Dapat suportahan ang LEGAL na underground economy dahil sila ay may magandang naidudulot sa ating bansa, at tinatangkilik nila ang lokal na produkto ng kanilang kinatatayuan. Hindi sila akakasakit ng ibang tao at alam nila ang kanilang limitasyon sa pagbebenta ng mga bagay bagay.
Ang blog na ito ay base sa aking sariling opinyon at pananaw.
No comments:
Post a Comment