Ang mga manggagawa!! |
TRABAHO PURO TRABAHO,
YAN ANG GUSTO NG TAO,
UPANG MAKALIKOM NG PONDO,
PARA MABUHAY NG WASTO.
MAY MGA AMONG MABAIT,
ANG IBA AY SOBRANG MANLAIT,
ANG BUHAY AY SADYANG KAY PAIT,
PARA SA TAONG TINGIN NG AMO AY MALIIT.
MGA MANGGAGAWA SA ATING BANSA,
NAGKAKAROON NG ALITAN SA PAGGAWA,
LAGING NAGTATALAGA NG WELGA,
PARA MAGING PANATAG AT MAKAMIT HUSTISYA.
Yan ang manggagawa, base sa aking naririnig at nakikita. Tayong lahat ay magtatrabaho din sa takdang panahon, maganda man o hindi basta siguraduhin ito'y marangal. Sana ay laging tandaan na ang buhay ay mahalaga dapat natin itong pagingatan at dapat natin itong alagaan. Huwag masilaw sa pera at magpasalamat sa poong maykapal kapag tayo ay nakakatanggap ng kahit anong oputunidad sa ating buhay.
Sa kahit anong problema ang dumating laging pakatandaan na habang may buhay may pagasa. Lageng magpasalamat sa ating natatanggap. May mga taong nagtatrabaho sa ibang bansa at sila ay dapat parangalan dahil hindi biro mawalay sa ating mga mahal sa buhay. Dapat pahalagahan natin sila dahil sobrang hirap ng trabaho nila.
Bigyan natin ng halaga ang mga manggagawa, hindi lang sa ating bansa ngunit pati na rin sa ibang bansa. Dapat meron silang sapat na kaalaman kung ano ang nangyayare sa ating bansa. At sana maging maayos ang pamamalakad ng ibang bansa sa kanilang mga tauhan. Kahit hindi sila naninilbihan sa ating bansa sila pa rin ay karapatdapat tawaging mga bayani dahil may maganda silang naitutulong sa ating bansa.
No comments:
Post a Comment