|
ITO ANG PATULOY NA IPINAGLALABAN NG MGA MAGSASAKA
|
|
ANG MGA MAGSASAKA NA PATULOY NA UMAASA MABIGYAN NG LUPA GALING SA GOBYERNO
|
Kabilang sa kanila si FRANCISCO NACPIL. Sino nga ba si Francisco Nacpil?
Siya ay isang magsasakang nagsilbi sa HACIENDA LUISITA sa loob ng 45 na taon kung saan inakala niyang matatamasa niya ang ninanais na malaking bahaginan sa haciendang pagmamay-ari ng pamilya COJUANCO.
Napakatiyaga niya kung tutuusin, nakakabilib ang kanyang determinasyon makuha ang ninanais niya, subalit nawalan ng kwenta ang kanyang pahihintay, dahil pinaasa lang siya ng pamilya COJUANCO, sila kaya ang paghinatyin at paasahin? matutuwa kaya sila?
Yan ang problema sa mga tao, hindi sila marunong tumupad sa mga usapan, sa mga binitawan nilang salita. Kapag namatay ang isang tao doon lang paparangalan, bakit kaya ganoon? Ang mga magsasaka ay nagaasam ng lupa kung saan doon sila magtatanim at iba pa, bakit hirap ang ang gobyerno mabigyan sila ng ganoon? Siguro wala silang makukuhang pera kung mangyayare yun..
Sana matupad na ang hinihiling ng mag magsasaka dahil sila ang bumubuhay sa unang sektor na kilala sa tawa na AGRIKULTURA. Mabigyan sana sila ng sapat na sweldo para mabuhay. Hindi sana MAGBINGIBINGIHAN ang gobyerno sa ipinararating ng mga magsasaka. Huwag sana sila MAGBULAGBULAGAN sa hirap na dinaranas ng mga magsasaka.
No comments:
Post a Comment