Monday, February 25, 2013

REALISASYON





           Ang paggawa ng blog ay sobrang nakakaganda para sa isang estudyante na katulad ko dahil dito nalilikom ang akin kaalaman tungkol sa mga bagay bagay na nangyayari sa aking paligid. Sa bawat paksa na aking tinatalakay ay nabibigyan ako ng dagdag impormasyon para sa mga artikulo na aking binabasa. Ang aking BLOG ay tungkol sa mga manggagawa, ang sarap sa pakiramdam pag nailathala mo lahat ng saloobin mo ng wala kang sinasaktan na ibang tao, sana mabasa ng kinauukulan ang aking mga Blog para mabigyan pansin ang gusto kong iparating sa bansang ginagalawan ko.

        Nakakapagod magisip kung iisipin mo lahat ng problema ng PILIPINAS, nakakapagod maghanap ng solusyon sa bawat problema na ating kinakaharap, sana maging maayos ang ating bansa sa takdang panahon. Sana may lider na alam kung paano papasunurin ang kanyang nasasakupan upang maging disiplinado. Ang Blog na ito ay isang magandang website para sa lahat lalo na kung ikaw ay may ipinaglalaban.  

          Dito sa website na ito tayo ay nagbabahagi ng iba't-ibang pananaw para sa mga issue na pumapaloob sa ating bansa. Sana isang araw ay mabigyan kasagutan ang mga tanong na tumatakbi sa aking isipan, sana ay mabigyang linaw ang mga problema na umiikot sa bansang ito. Sana tayo ay magkaisa para maipaunawa sa bawat tao na laht tayo ay nahihirapan. 

DITO NAGTATAPOS ANG AKING REALISASYON.

DAPAT BANG TAASAN ANG SWELDO NG MGA MANGGAGAWA?




         Para sa akin DAPAT TAASAN ANG SWELDO NG MANGGAGAWA dahil hindi na angkop ang kanilang sweldo para sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya. Ang ekonomiya ng Bansang Pilipinas ay sobrang naghihirap na. Ang bawat piso na ating ginagasta ay sobrang mabigat na sa bulsa dahil hindi na biro ang magtrabaho.

        Kailangan taasan na nila ang sweldo ng mga manggagawa, dahil minsan ang mga amo ay dinadaya ang kanilang manggagawa, kaya naman ang mga manggagawa ay nahihirapan kontrolin ang daloy ng kanilang pera. Kailangan pang hatiin para sa kuryente, tubig, at iba pa. 

         May mga bagay sa mundon ito na mahirap na kontrolin, hindi lahat ay nadadaan sa simpleng pamamaraan, pinaghihirapan ang bawat sentimo na nakukuha ng mga manggagawa, ang problema nga lang eh ang hirap ng buhay. Tumataas ang mga bilihin, at dumadami ang dumedepende sa mga taong may trabaho. Karapat dapat makatanggap ng dagdag sweldo ang mga manggagawa ng ating bansa lalo na kung iginugugol nla ang oras nila para sa pagtatrabaho.  

Maraming mahalagang salik na nagbubuo ng kasaysayan ng karapatang manggagawa.  Kadalasan, ang mga mamamayan ay naniniwala na ang batas ay sanhi pagkakaroon ng karapatan ng mga tao.  Sa halip, ang mga batas na pinaniniwalaan natin sa kasalukayan ay batay sa mga paniniwala na mayroong likas na karapatan ng mga tao, at bukod doon, ang tungkulin ng pamahalaan ay magtanggol ng likas na karapatan.  Sa paglipas ng kasasayan, marami ding mamamayan sa Estados Unidos ang naniwala sa dito.  Datapwa’t, kadalasan, hindi nagtatanggol o pumapansin ang pederal na pamahalaan ng karapatang manggagawa.  Dahil dito, ang kasaysayan ng karapatang manggagawa ay umunlad mula sa mga pakikibaka ng mga manggagawa.  Halos lahat ng mga batas para sa mga karapatang manggagawa na nakikita natin sa kasalakuyan ay nanggagaling sa kasaysayan ng pakikibaka ng mga kilusan ng mga manggagawa.  Ngunit, sa espesipiko, nanggagaling ito sa pagkilos ng mga organisasyong manggagawa.

ANO ANG ARALING PANLIPUNAN?

ANO ANG ARALING PANLIPUNAN?


     Ang araling panlipunan  ay isang katagang naglalarawan sa isang malawak na mga pag-aaral sa iba't ibang larangan na kinakasangkutan ng nakaraan at kasalukuyang pakikipag-ugnayan at kaugalian ng mga tao. Sa halip na nakatuon sa lalim ng alin mang mga paksa, nagbibigay ang araling panlipunan ng isang malawak na buod ng kaugalian ng sangkatauhan. Kinikilala ang araling panlipunan bilang pangalan ng kurso na tinuturo sa paaralang elementarya at mataas na paaralan, ngunit maaaring tumukoy din ito sa pag-aaral ng partikular na aspeto ng lipunan ng tao sa ilang kolehiyo sa buong mundo. 
  
BAKIT KAILANGAN PAGARALAN ANG ARALING PANLIPUNAN? 


Upang malaman ang Kasaysayan, Kultura at Heograpiya ng buong mundo at nalalaman din natin dito ang ginawa ng mga sinaunang tao upang silay pamumuhay.Ang tradisyon ng ibat ibang lugar ay napapaloob din dito. Maging maayos sana ang mga magaaral habang nagaaral ng ARALING PANLIPUNAN dahil ito ay mahalaga. Seryosohin sana ng mga magaaral ang mga Pakasa na tinatalakay sa paksang ito. 


Ang mga magaaral ay sana maging maayos na. Sana hindi lang sa ARALING PANLIPUNAN kundi pati na rin sa ibang paksa. 
DAHIL ang KABATAAN ay pagasa ng BAYAN!











FRANCISCO NACPIL

ITO ANG PATULOY NA IPINAGLALABAN NG MGA MAGSASAKA





ANG MGA MAGSASAKA NA PATULOY NA UMAASA MABIGYAN NG LUPA GALING SA GOBYERNO 



ANG MANGGAGAWA

Ang mga manggagawa!!



TRABAHO PURO TRABAHO,
YAN ANG GUSTO NG TAO,
UPANG MAKALIKOM NG PONDO,
PARA MABUHAY NG WASTO.

MAY MGA AMONG MABAIT,
ANG IBA AY SOBRANG MANLAIT,
ANG BUHAY AY SADYANG KAY PAIT,
PARA SA TAONG TINGIN NG AMO AY MALIIT.

MGA MANGGAGAWA SA ATING BANSA,
NAGKAKAROON NG ALITAN SA PAGGAWA,
LAGING NAGTATALAGA NG WELGA,
PARA MAGING PANATAG AT MAKAMIT HUSTISYA.

          Yan ang manggagawa, base sa aking naririnig at nakikita. Tayong lahat ay magtatrabaho din sa takdang panahon, maganda man o hindi basta siguraduhin ito'y marangal. Sana ay laging tandaan na ang buhay ay  mahalaga dapat natin itong pagingatan at dapat natin itong alagaan. Huwag masilaw sa pera at magpasalamat sa poong maykapal kapag tayo ay nakakatanggap ng kahit anong oputunidad sa ating buhay.


           Sa kahit anong problema ang dumating laging pakatandaan na habang may buhay may pagasa. Lageng magpasalamat sa ating natatanggap. May mga taong nagtatrabaho sa ibang bansa at sila ay dapat  parangalan dahil hindi biro mawalay sa ating mga mahal sa buhay. Dapat pahalagahan natin sila dahil sobrang hirap ng trabaho nila. 



         Bigyan natin ng halaga ang mga manggagawa, hindi lang sa ating bansa ngunit pati na rin sa ibang bansa. Dapat meron silang sapat na kaalaman kung ano ang nangyayare sa ating bansa. At sana maging maayos ang pamamalakad ng ibang bansa sa kanilang mga tauhan. Kahit hindi sila naninilbihan sa ating bansa sila pa rin ay karapatdapat tawaging mga bayani dahil may maganda silang naitutulong sa ating bansa. 










Tuesday, February 19, 2013

DAPAT BANG SUPORTAHAN ANG UNDERGROUND ECONOMY?

          Sa sobrang hirap ng buhay iilan na lang ang taong may magandang trabaho, iilan na lang ang taong may sapat na hanap buhay para mapakain nila ang kanilang pamilya tatlong (3) beses sa isang araw. Iba't ibang paraan upang makatipid, iba't ibang gawain para maipasok ang kanilang mga anak sa paaralan. Iba't ibang paraan para tumagal ang buhay sa mundong ibabaw.

LEGAL NA SEKTOR

          Mayroon tayong tinatawag na "UNDERGROUND ECONOMY" sigurado ako nakakita ka na ng ilan sa kanila. May nagbebenta ng dyaryo, yung iba ay may maliit na tindahan, ang iba naman ay nagtitinda ng street foods. Sila yung LEGAL NA SEKTOR may maganda silang naiaambag sa ating bansa makakabili ka dito ng mga tingi tingi na produkto o paisa isa. Maganda ito sa nakararami dahil madaming tao ang nakakapaghanap buhay para sa kanilang pamilya. mayroon din itong negatibong epekto, hindi natin alam kung talagang malinis ang ibinebenta ang maganda sa ating kalusugan.  

          Nakakamangha ang mga naghahanap buhay ng matiwasay. nakakamangha ang mga taong handang mausukan, madumihan, para matustusan ang pangangailangan ng kanilang mga anak. Sana lahat ng tao ay may sapat na pagiisip at alam nila na lahat ng tao ay nahihirapan. 


ILEGAL NA SEKTOR

         Meron din namang ILEGAL NA SEKTOR ng underground economy sila yung magnanakaw, at nagbebenta ng mga ilegal na bagay. Wala silang naitutulong sa ating bansa, pinapapangit nila ang magandang imahe natin sa ibang dayuhan. Hindi kailan man mawawala ang mga ito, dahil masyadong magaan ang parusa kapag sila ay nadakip.

          Tayong lahat ay nahihirapan sa buhay. madaming paraan upang maging maganda ang ating buhay. madaming pwdeng gawin para makahanap tayo ng trabaho na walang nasasaktan at hindi labag sa batas. Ang PAMAHALAAN ay gumawa ng batas na tiyak na matututo ang kanilang nasasakupan. Sana dumating ang panahon na lahat ng tao ay disiplinado naat may magandang buhay bago sila mapunta sa kabilang buhay. Matuto sana tayong makinig sa mga payo ng mga nakakatanda sa atin. 

          Dapat suportahan ang LEGAL na underground economy dahil sila ay may magandang naidudulot sa ating bansa, at tinatangkilik nila ang lokal na produkto ng kanilang kinatatayuan. Hindi sila akakasakit ng ibang tao at alam nila ang kanilang limitasyon sa pagbebenta ng mga bagay bagay. 


          Ang blog na ito ay base sa aking sariling opinyon at pananaw.

"MALIWANAG NA BUKAS PARA SA BANSANG PILIPINAS"




          Ako ay may nabasa tungkol sa AGRIKULTURA, nakabasa na din ako ng mga batas ukol dito. Madami ang sumasang-ayon, madami din ang tumataliwas sa mga batas na ipinapatalaga ng mga kinauukulan. May mga katanungan na pumapasok sa aking isip. Una, Para saan ang mga batas kung hindi rin naman ito naisakakatuparan? Ikalawa, Ano ang nakukuhang benepisyo ng mga magsasaka sa paggawa ng mga produktong agrikultural? At panghuli ay, saan kumukuha ng pondo ang mga magsasaka upang mapalago ang kanilang sakahan?
         

           Ang Pilipinas ay gusto maging industriyalisado, subalit ang mga kinauukulan ay hindi napapansin na, sa kagustuhan natin makamit ang pagiging INDUSTRIYALISADO hindi na natin napagtutuunan ng pansin na ang ating bansa ay mas gaganda kung tayo ay magpapatuloy sa pagiging AGRIKULTURAL na bansa. 

Mayroon akong nasagap na balita: "Noong nakaraang taon, naglaan ang gobyerno ng P1 billion para ipambili ng mahigit 2,300 piraso ng postharvest machinery at iba pang kasangkapan. Para sa taong ito, itinaas ang budget sa P2.6 billion para makabili ng 7,000 makinarya sa pagsasaka na ipamamahagi sa mga samahan ng magsasaka at mga lokal na sangay ng pamahalaan sa buong bansa. Hinikayat ng Pangulo ang state colleges and universities (SCU) at ang DA na magtulungan upang maagapayan ang mga magsasaka sa paggamit ng modernong teknolohiya at pamamaraan ng pagsasaka."
          

          Maganda ang isinasaad nito. Kung gusto ng pamahalaan na madaming bigas ang gawin kayang kaya ito sa pamamagitan ng mga teknolohiya, magpasalamat tayo dahil may isang pinuno na nais pagtuunan ng pansin ang mga magsasaka, mangingisda dito sa ating bansa. Kaya natin umunlad kung ang lahat ng tao sa ating bansa ay handang makipagtulungan upang makamit natin ang buhay na marangal pag dating ng panahon. 



          Ang mga magsasaka, mangingisda at tiyak na masaya dahil sa tulong mula sa ibang bansa, ngunit mas sasaya ang mga ito kung pati ang ating pamahalaan ay bibigyan sila ng sapat na suporta dahil kung wala ang mga ito walang magsusupply ng ating pangaraw araw na kailangan. bigyan dapat sila ng karangalan dahil hindi biro na magtrabaho buong magdamag para sa kakainin ng ibang tao.
        

          Ang gusto ng mga magsasaka ay palakasin ang lokal na produksyon hindi ang importasyon. Nahihirapan ang magsasaka na ilaban ang kanilang karapatan dahil wala silang sapat na kaalaman na tinatapakan na pala ang kanilang reputasyon bilang isang manggagawa, hindi dapat sila niloloko dahl kapag sila ay nagloko hindi alam ng nakarami kung saan sila kukuha ng supply ng pagkain. Sana madinig ng senado o pamahalaan ang kanilang gustong mangyare dahil sigurado ako tama ang kanilang ipinaglalaban.
          

          Sana mapagtuunan din ng pansin ng pamahalaan ang mga magsasaka, mabigyan nawa sila ng suporta ng gobyerno at dapat pagtuunan ng pansin ang kaninalang produksyon.